Saturday, July 13, 2013


ang SAGWAN ng bayan6
Tula ni: Esa Batallones y Saturno
March 6, 2012


Bakit ba nawiwindang ang iyong isipan
sa paghahangad ng KAPANGYARIHAN?
Nagkakandarapang habulin,
takbuhin ang iyong ORASAN,
na maitayo ang sariling ROMA.
Ang mga matang haling sa katas ng kampupot,
makamtan ang halimuyak ng EDEN.




Sa iyong pagpupumulit: puso’y nag-aalpas,
Sa pagpitlag nito’y hindi makawala sa pagkagapos.
Nais mong kuralan ang bayan ng iyong mga batas,
Kahima’t maging ang batas ng Diyos ay iyong malabag.
Ano ang silbi ng pagpapagal kung ang tao’y nasasakal
Sa mala bangungot at ADANG sa sala’y pasasa?


Ano bang silbi ng panunungkulan,

kung hakbang at tik-tik ay hahantong lamang
sa mabako at madawag na landas ng kasakiman,
na pawang ang mahihirap at nagdadahop
ang sa dulo’y magkakamit ng dusa’t pasakit?




Ilan na bang panahon ang iyong sinayang?
Ilan na bang milyones ang iyong nilustay?
Ilan na bang pansariling tagumpay ang sa iyo’y dumatal?
Ilan na bang pag-unlad ang sinasabi mong nakamtan?
Ilan na bang pagsulong ang nagkukumagkag,
sumunod sa bilis ng sandali,
na naiplasta sa papel ng mga huwad na pangako?


Lito na ang taong bayan, walang mapagpilian,
sawa na sa halimuyak na umaasngaw
sa mabango at makadkad na bulalasing
may hugis ng isang katerbang kasinungalingan,
na gumupo sa pag-asa ng BAYAN at napipintong
mag-alab ang damdaming nasasakal.



 May oras pa bang patakbuhin
ang isang bangkang papel sa karagatan
ng kawalan, tao’y malulunod sa pagkawasak
at malulubog sa tubig na tinag,
sa pusod nito’y ang masangsang
na amoy ng burak, na kahit naisin
ay walang kakayahang makaahon sa pagkakalibing.



 Sukat na ang dulo’t ang hantungan
ay ang kamatayan ng kalayaang
‘di sin sanay may tuwa’t ningning na tinatanaw;
—Oo nga, ninais nating makadaong
sa kabilang pangpang, subalit di pa tukoy
ng sagwan kung hanggang kailan niya ito ikakampay?

—Ikaw ang sagwan ng BAYAN,
na patuloy sa pagsagwan
na tila ba’y walang kapaguran.
Hindi ka ba magpapahing

No comments:

Post a Comment