BUMANGON KA!
Sept. 26. 2012
Bumangon ka...
Hugutin mo sa iyong
mga bisig ang lakas,
taglay na talino ay gamitin upang umalpas,
sa pagkakagapos sa lubid ng dusa at dahas,
at ikampay ang kamay sa mga along humahampas.
Bumangon ka...
at tumayo sa pagkakahimlay,
tuntunin ang landas ng tagumpay,
at ihasik ang talino mong taglay,
ng ang kinabukasan ay maging matibay.
Bumangon ka...
itapak ang mga paa ng mahusay,
layunin ng diwa ang mga pangarap na taglay,
at huwag bibitiw sa agos ng buhay,
ang biyayang hangad naroon at naghihintay
Bumangon ka...
sulayan ng pag-asa hanggang matanaw, ang gabay...
ng mga matang nakatitig sa pangarap mong tagumpay,
Hindi ba’t iisa lamang ang buhay na iyong
tinataglay
Paka-ingatan ito’t ‘wag hayaang ito ay matangay.
Bumangong ka...
Sa pagkakadapa huwag pansinin ang mga pangungutya
Uusad ba ang buhay kung walang ganap na
pananamplataya?
Sambahin ang Diyos na Tagapaglikha ng may puso at
ligaya,
‘Yan ang layon ng buhay tanggapin mo ito ng malaya.
Bumangong ka...
Patibayin ang dibdib sa anumang banta ng bukas
‘Wag ilibing sa limot, pangarap na walang wakas
Pasasaan ba’t makakamit ang buhay na matimyas
Hawag kang bibitiw sa lubid, kamay ay huwag kakalas
At kung ang mga bituwin ay tuluyan nang nasungkit
Ibaon sa limot ang mga dusa, pighati at mga pasakit
Pagtiwalaan ng lubos si ALLAH, ang Diyos na Marikit
Nang ang Deen'ul Islam sa iyong puso’y tuluyang
dumikit
No comments:
Post a Comment