KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
KAHAPON
Ang BAYAN ko’y punong puno ng lumbay
Sa lahat ng bagay ay salat maging sa yaman
Nagkasyang samyuin, halimuyak ng bulaklak
sa parang
Puto’s naman ito ng luksa’t pugad ng
panglaw.
Inakalang ito’y isang libingan lamang
Ng kawalan ng pag-asa’t inasam na tagumpay.
Mangyari, Kahapon
Wari ba ako’y nalason.
NGAYON.
Nakabangla sa mga mata ang
proresibo
Sa mata’y ligayang handog ang nakikita
Libingan ng kahirapan hinukay ang pag-asa
Umusbong ang halamang pugad ng ginhawa;
Nguni sa pakiwari ba’y ito’y maliit pa
Para sa BAYANG minahal ko’t sininta
Papaano, Ngayo’y
Nakamtan ang layong ginhawa.
BUKAS
Sino ba kaya ang makatatatap
Sa inaaning pag-ulad ay hindi magwawakas?
Ang BAYAN ay tila lunday ng dagat
Na inaamihan at hinahabagat;
Itong aking BAYAN ay isang palanas
Na nabibinhian ng lungkot at galak
Bukas, harapin ang nakaambang panganib
Kakayanin ba natin?
KAHAPON, wari ko’y nalupig ang kahirapan
Sa tuktok ng bundok sa silangan ang araw ay
sumiwang
Madilim at makapal na ulap ay naparam
Sumambulat na liwanag, bayan ko’y
tinanglawan
Init ay dumamapi sa balat ay bumukal.
butil ng pawis hatid ay hapdi sa mata’y may
hilam
yumakap sa pag-asa, Diyos ang pinagkunan
ng tiwalang makakamtam, tagumpay na inasam
NGAYON, nais mong bilangin mga bituin sa
langit
Sapagkat nakamtan na ang kinang na hatid
Sa BAYANG umasang ang pag-asay hindi
ipagkakait
Nang makamtan, biglang nasilaw, sa kaban ay
nangumit
BUKAS, matalinong pagpapasya ang dapat na
ihatag
Alaming lubos ang hatid ng BUKAS
Huwag palilinlang sa mga taong likas
ang kasakiman sa sarili’y walang humpay,
walang wakas
No comments:
Post a Comment