SA BAYAN NG KABUYAO
Sa
bayan ng Kabuyao, kabataan ko’y pinanday
Sa
tikas at tindig kahit sa lakas di padadaig
Pagsinta
sa babaing inalayan ng pag-ibig
Ay
hinding hindi ako kanino man palulupig
Ng unang
pumintig ang puso ko sa pagsinta
Trese
anyos pa lamang, bata pang talaga
Winika
nga ni Inay, ako’y may gatas pa
May
tamis pa sa labi nangiti ako karaka
Sa
bayan ng Kabuyaw unang nasilayan
Taglay
na ganda mo, naakit ng tuluyan
Sa
hinhin, sa yumi sa alindog nabighani
Mata ko’y
napukaw at umibig ng tuluyan
Ang marupok
at pagal na murang katawan
Pagod
ay ‘di alintana kapag mukha’y nasilayan
Ibubulong
ko sa hangin pagsinta ko’y pagbiyan
Nawa’y
marinig mo itong aking panambitan
May
aliw sa puso ang hampas ng hangin
Hatid,
bango’t halimuyak, nang iniirog na giliw
Ang
pagsintang tunay narito’t hatid ay aliw
Huwag
aakalaing ako sa iyo’y magtataksil
Kung sakali
man, pag-ibig ko’y di pagbigyan
Hayaang
hatdan ka ng matatamis na pukaw
Mga
ngiti ng pag-ibig saiyo lamang laan
Sapat
ang ligaya sa puso ko ay Manahan
Kung
sakali man, pag-big ko’y pagbigyan
Hindi
ka magsisisi ika’y aking pagsisilbihan
Hahandugan
ng pagsuyo, ligaya’t pagmamahal
Hanggang
ang hininga ko’y bawiin ng Maykapal
No comments:
Post a Comment