SA
PAGLUBOG NG ARAW
Nagbukang
liwayliway, sumungaw na ang araw
Titigan
mo itong may pag-asang natatanaw
Sa
karukhaan maging sa dalita’t lumbay
Nang
mapawi, ang mga luhang nakakahilam
Ingit
mo ang mga labi kahit na ito’y pilit
Humalakhak
ka ng husto, walang patid
Ang mga
halakhak mo ay iyong iparinig
Kahit
na ang mga ito ay huwad at pilit
Maantak
man ang hatid ng sugat sa puso
Ikaw’y
ngumiti nang buong pagsuyo
Maging
ang pintig ng diwang isip
Ay
tumugil sa gitna ng hirap at pasakit
Hamot
kahiman dayaing pasumandali,
Damdami’t
puso, ay diwa mong iwi
Hayaang
tawagin sinungaling ang sarili
Kung
ang kalungkuta’y hindi makandili
Sa
paglubog ng araw ipagsama ang kalungkutan
Maging
ang isang libong pagdurusa’t kahapisan
Dalhin
ang mga ito’t ipagsama sa paglisan
Kahit
bahagya ito’y mapalis, maparam.
Sa
iyong pag-idlip sa kalaliman ng gabi
Baunin
mo sa panaginip ang lahat ng pasakit
Igapos
ang mga ito sa karimlan ng mahigpit
Nang sa
paggising wala na ang hapdi sa dibdib
No comments:
Post a Comment