ANG ULAP
Naroon, sa kalawakan ang makapal na
ulap
lunday
ka nyaring laksa-laksang pangarap,
sa
walang hanggang langit naroo’t naglalayag,
sa lundo
ng iyong dibdib sadyang mabusilak.
Tila
bulak ang kulay mo puting kay busilak
dala mo’y
hamog, bubuhay sa lantang bulaklak.
Kong
ako’y sasakay sa makapal na ulap,
dalhin
mo ako sa aking mga pangarap?
Nais
kong pitasin bituing nagniningning.
Nais mahagkan
mukha ng buwang malimlim
Nais
kong malaman lihim nitong araw,
na
nagbibigay init sa santinakpan
Sa aking
pagsakay akoy iyong dalahin,
sa
tuktok ng kalangitan pagsusumamo’y mandin.
Igawad
ang habag, O Diyos na Maawain!
na
tugunin ang panambitan nitong abang alipin
Kung
ika’y babagsak sa tigang na kapatagan,
ibaba mo
ako sa matayog na kabundukan,
ang lamig
ng tubig mula sa kalangitan
pampawi
sa katawan kong nadarang
sa apoy
ng kalungkutan.
Itong
abang alipin na Diyos na Mahabagin
puso’y
ilalaan maging ang aking kamatayan
mga
gawang mabubuti pagsusumamo
sa Iyo’y
ibilang, ng hindi ako maging talunan
sa
pagdating ng Araw na ako’y Iyong huhusgahan.
No comments:
Post a Comment