IKAW NA MAALAM
Gamitin mo sa tama
ang talino mong taglay
hindi sa kabuktutan
maging sa kapalaluan
maaliwas na noo ay
itaas ng may dangal
nang makamtan
yaring pag-aasang tinatanaw.
Kabataa’y liwanag
at pag-asa ng bukas
ang angking talino
ay pagitawing lakas
dapat kang
ikarangal ng lahing Pilipino
hindi maging salot,
o isang bagamundo
O katalinuhan. Ikaw
ay lumitaw
murang diwa puno sa
isipan
pati na ang puso sa
iyo’y naghihintay
bitbitin mo at
dalhin layon ay tagumpay
Tinahak mong landas
may giliw, may aliw
ng mga silahis ng
Agham, maging sa sining
O mga kabataan
humayo na’t lagutin
ang gapos ng kamangmangan
sa iyong diwa’t damdamin
Hinangad mo ba ang
koronang makinang?
Sa gitna ba ng
dilim ay iyong matitigan?
Ang maalam mong
kamay, may dakila bang alay?
Sa nagdurusa kong
bayan kong minamahal
Ang karunungan bang
taglay ay tila ba isang bagwis?
kagyat na
pumaimbulong doon sa tuktok ng langit
upang paghanapin
ang malalambing na tinig
ng mga batang
paslit na ninakawan kahit ng sayang impit.
Ikaw, na ang salita
ay lalong mairog
mabuladas na dila’y
tila ba isang gamot
at mabisang lunas
sa dusa’t himutok
ng buhay at pusong
sakbibi ng lungkot.
Ikaw, na may utak
ay makapangyarihan
matigas na perlas
ay mabibigyang buhay
mapagbabago mo
lipunang nagtampisaw
sa iyo’y makakamit
kariwasaang inaasam
Ikaw, na may diwang
inibig ng bayan
kumuyapit sa talino
mo na hindi kayang mawindang
sa isang kaputol ng
sakong pinunit at iginuhit
ang ganda’t
makulay, isang marikit na langit
Humayo’t tuntunin
at iyong papagningasin
ang alab ng isipan,
talino ay gamitin
ngalan mo’y
ipagsigawan dala ang isang layunin
maiahon ang lipunang
lubong sa masasamang gawain.
Araw na dakila ng
ligaya at saya
magsaya ka ngayon,
bayan kong sinisinta
purihin ang taong
sa iyo ay lumingap
binata ang hirap at
nag-akay sa mabuting palad
No comments:
Post a Comment