Wednesday, July 24, 2013

ANG ULO
Tula ni Eisa Batallones.
Oct. 1, 2012

Ang tutuli ay naroroon sa taninga,
nasa bibig nama'y laway na malasa,
at sa ilong naroon ang kulangot at
ang muta namay naroon sa mata.

Nagmula sa mga likido,
sa iisang lugar nananahan ito.
'di bat isang hiwaga ito,
di nagsasanib kahit nasa iisang ulo.

Ang lasa'y mapait ng tutuling makunat,
at ang matatamis na laway malayang nalalasap,
mga luhay maalat kapag pumapatak,
at ang sipon ay maasim kapag sa dila’y sumayad

Oh anong hiwaga nitong ulo sa itaas
May apat na butas mga likido’y di naglalapat
Paano na kaya kung magsanib bawat katas
O mapunta ang isa sa hindi niya butas
Patay kang bata ka, baka kulangot mo’y sa bibig lumabas

No comments:

Post a Comment